Problemang Pampamilya

 

Problemang Pampamilya: Epekto nito sa mga kabataang miyembro



Ang layunin nito ay upang maipahayag sa mga mambabasa ang posibleng maging epekto ng problemang pamilya sa mga kabataang miyembro nito. Sakop nito ang mga kabataang edad 14 hanggang 18 na kadalasang nagrerebelde.

Ang mga kabataang ito ay nakararanas ng madalas na problema sa pamilya ay ang sinasabi na lubos na nakakaapekto sa mga ito na dahilan pagkahimok ng kanilang pagiisip upang makagawa ng mg abagy na hidi maganda.

Ang mga kabataang madalas na humaharap sa mga suliranin ng pamilya ay kadalsang lubhang naapektuhan kung saan nabubuksan ang kanilang pagiisip sa mga bagay na hindi dapat gaya nalang ng: (1) pagkakaroon ng bisyo; kadalasan sa mga kabataan ngayon ay nagkakaroon ng di magandang nakasanayan gaya ng pagkakaroon ng bisyo tulad ng paninigarilyo at paginom ng alak. Ayon kay Eloisa Jean Garbo, "Ang mga bisyo na ito ay may malaking epekto sa bawat isang kabataan na naluluong dito. Ang pag aaral ay napapabayaan at hindi na naiisip pa ang magandang kinabukasan na makakamit nila. Ang pinakamasama pa rito ay ang paggamit nila ng ipinagbabawal na gamot. bilang isang kabataan sa milenyong ito, ay laganap na ang paggamit ng droga at walang pinipiling edad".

Isa rin sa sa maaaring maging epejto ng problemanng pampamilya ay (2) pagrerebelde: dahil sa madalas na pag aaway o problema sa pamilya, lumalayo ang loob ng bawat isa sa kanilang pamilya na siyang dahilan ng pagrerebelde.

Ang isa pang posibleng maging epekto ay (3) ang paglalayas: dahil na rin sa kakulangan ng atensyon ng magulang dahil sa mga problemang kinakaharap ng isang pamilya, pakiramdam ng mga miyembro nito lalo na ang kabataan na walang mawaawal kung aalis siya sa kanilang tahanan sapagkat iniisip niyang mababawasan ang kanilang problema dahil kahil kung sa tahanan nila mismo ang pinagmumumlan ng madalas na problema.

Hindi natin maiiwasan ang ganitong suliranin sa pamilya. Parte ito ng maraming pagsubok na susubok sa sa atin bilang isang pamilya, kung kaya't dapat lahat tayong miyembro nito ay magpakatatag at intindihin ang ounto ng isa't isa nang sa gayon ay maiwasan ang bangayan  na pinagmumulan ng problema sa pamilya.

Comments

  1. Ang blog nito ay nakakatulong ng labis sa mga pamilyang may problema nito at nakakatulong ito upang hindi madagdagan ang mga kabataang na dedepress

    ReplyDelete
  2. Iyan ay pagsubok lamang lumaban kalang at mag dasal palagi malulusutan lamang yan .

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Buhay ng isang Magsasaka