Posts

Showing posts from October, 2020

Buhay ng isang Magsasaka

  "Ang pagsasaka ay isang mabigat na gawain na kahit sa gitna ng matinding sikat ng araw ay patuloy pa rin sa pagbubungkal ng lupa ang isang magsasaka sapagkat nakaatang sa kanyang mga balikat ang katotohanang siya ang nagpapakain sa Inang Bayan.  Madaling araw pa lamang, iginagayak na niya ang kanyang sarili para harapin ang gawaing bukid. May pagkakataon pang aalis siyang madilim sa kanyang tahanan gayon din sa pag-uwi.  Apat o limang buwan siyang naghihintay sa kanyang itinanim, inaalagaan niya sa pamamagitan ng pampataba, gamot at iba pang magpapaganda sa kanyang pananim upang sumagana ang kanyang ani.  Pagsapit ng anihan, sa halip na ligaya ang madarama ng isang magsasaka ay lungkot at pighati ang kanyang nadarama, sapagkat sa halip na mayroon pang matira sa kanya ay kulang pa sa ipambabayad niya ng utang.  Hanggang hindi binibigyan ng gobyerno ng sapat na tulong pinansiyal ang mga magsasaka at hindi nila maiaahon ang kanilang pamilya sa kumunoy ng kahirapa...

Problemang Pampamilya

  Problemang Pampamilya: Epekto nito sa mga kabataang miyembro Ang layunin nito ay upang maipahayag sa mga mambabasa ang posibleng maging epekto ng problemang pamilya sa mga kabataang miyembro nito. Sakop nito ang mga kabataang edad 14 hanggang 18 na kadalasang nagrerebelde. Ang mga kabataang ito ay nakararanas ng madalas na problema sa pamilya ay ang sinasabi na lubos na nakakaapekto sa mga ito na dahilan pagkahimok ng kanilang pagiisip upang makagawa ng mg abagy na hidi maganda. Ang mga kabataang madalas na humaharap sa mga suliranin ng pamilya ay kadalsang lubhang naapektuhan kung saan nabubuksan ang kanilang pagiisip sa mga bagay na hindi dapat gaya nalang ng: (1) pagkakaroon ng bisyo; kadalasan sa mga kabataan ngayon ay nagkakaroon ng di magandang nakasanayan gaya ng pagkakaroon ng bisyo tulad ng paninigarilyo at paginom ng alak. Ayon kay Eloisa Jean Garbo, "Ang mga bisyo na ito ay may malaking epekto sa bawat isang kabataan na naluluong dito. Ang pag aaral ay napapabayaan at...