Buhay ng isang Magsasaka
"Ang pagsasaka ay isang mabigat na gawain na kahit sa gitna ng matinding sikat ng araw ay patuloy pa rin sa pagbubungkal ng lupa ang isang magsasaka sapagkat nakaatang sa kanyang mga balikat ang katotohanang siya ang nagpapakain sa Inang Bayan. Madaling araw pa lamang, iginagayak na niya ang kanyang sarili para harapin ang gawaing bukid. May pagkakataon pang aalis siyang madilim sa kanyang tahanan gayon din sa pag-uwi. Apat o limang buwan siyang naghihintay sa kanyang itinanim, inaalagaan niya sa pamamagitan ng pampataba, gamot at iba pang magpapaganda sa kanyang pananim upang sumagana ang kanyang ani. Pagsapit ng anihan, sa halip na ligaya ang madarama ng isang magsasaka ay lungkot at pighati ang kanyang nadarama, sapagkat sa halip na mayroon pang matira sa kanya ay kulang pa sa ipambabayad niya ng utang. Hanggang hindi binibigyan ng gobyerno ng sapat na tulong pinansiyal ang mga magsasaka at hindi nila maiaahon ang kanilang pamilya sa kumunoy ng kahirapa...